Gulung-gulo ang utak ko kanina kaya sa CAL Lib ako dumiretso.
Hindi ko pa rin nahanap ang Kitchen ni Banana Yoshimoto.
Muntik ko nang matapos ang Nine Stories ni J.D. Salinger sa isang upuan kaya lang sumakit na ang batok ko. 247 pages ang nadaanan ko sa loob ng higit-kumulang dalawa't kalahating oras. Mukhang inefficient pa rin ang ang reading skill ko.
May bago akong nakilalang awtor. Isang werewolf. Susubukan ko siyang kilalanin next week. Sa oras ng chem lab kase wala na kaming klase. Lab notbuk na lang ang isasabmit at libre na ako sa responsibilidad. Mantakin mo, sandaan pa ang nalaglag sa akin dahil sa beaker at watch glass na nawala.
Dalawa na ang nabasa kong gawa ni Jess Abrera. Sayang, nung open house sa Molave, may nagbigay saken ng tip na pumunta roon si Mister Abrera kasama si Sir Tuazon. Nagpopromote yata ng librong ginagamit namin sa cwts, Back To The Basics.
Marami pang kwento si Jess Abrera kaya lang nasa Educ. Kelangan ko pa yun i-explore.
Inabot ako ng gutom kanina. Sa wakas, nakasiksik din ako sa Tokyo Tokyo. Nabitin ako sa kanin. Apat na pirasong tempura yung ulam ko, ubos na agad yung kanin sa unang tempura. Kala ko naman wala na yung Eat-All-You-Kanin. pagtingin ko sa resibo pagkatapos kong kumain, meron pa pala. Hindi lang siguro umabot sa pwesto kong nasa dulo ng walang hanggan.
Yung nakita ko dating issue ng Pulp na Hiphop ang main feature, nabili ko rin dahil sa article tungkol sa Eheads breakup. Hanggang ngayon hidni ko pa rin makita yung back issue na na-feature ang Kiko.
Speaking of Kiko, nagpunta ako kanina sa Comic Quest para tanungin muli ang Kiko Machine. Wala pa rin. Iba ang nabili ko. Ni hindi ko nga maalala ang title. Napatapon na naman ako ng isandaan.
Nabili ko na rin yung dalawang latest issue ng Mwahaha. Ngayon ko lang napansin na meron palang comic strip dun si Manix Abrera.
May binili rin akong libro kanina sa National. Isang self-help book kaya nga lang comicbook heroes ang ginamit niya. Gusto ko rin makilala ang JLA kase hindi ko sila gaanong kilala. Akala ko pa naman, marami akong masusulit dahil may sale. pero yung mga nadadampot ko naman, walang mark. pati yung nabili ko, wala rin. P142.25. pero ayos lang. sana may mapulot ako.
Nag-due nga pala yung hiniram kong Kokoro at Etsa-Puwera (2nd time) nang hindi ko natapos. Marami kaseng mas mahalaga umanong gawin. Ayos yung Kokoro, nakakarelate na naman ako. Hihiramin ko uli yun para tapusin. Yung Etsa-Pwera dapat gagawan ko yun ng review sa blog namin.
|